At tayo ba naman ay mapapaniwala pa sa mga puro salita?
Sa mga media hypes? Sa mga ego-trips ng mga elites?
No sirs, not anymore wrapped around your fingers.
Ang tunay na pagbabago ay nasa sistema ng gobyerno.
Ang tunay na pagbabago ay yung tutuong makatao.
Ito ang matatawag na sakripisyo para sa mga pulitiko:
Ang pagbabago ay nasa power-sharing, sa Federalismo,
Na siyang tunay na angkop sa uri ng bansang Archipelago.
Bansang malaon nang naghihirap sa kanyang pagkakawatak-watak.
Bansang hindi makaahon, dahil sa higpit ng 'yong pagkakahawak.
Boracay, kapatid... parang our very own Sta. Cruz Island dito sa perimeters natin, with its white sands shorelines, di ba? (Wag mo na ko tawaging maam heheh... k, see you around sometime. :)
2010... very critical, at hindi tayo dapat padala sa conditionings ng media sa atin, di po ba? hindi tayo makaahon-ahon lalo na ang mga kanayunan, at marami yan... malaki din ang kinalaman ng sistemang ipinaiiral sa sambayanan - it is conducive to abuses, to the perpetration of malpractices - graft and corruption and other discrete crimes. marami na ang gising tungkol dito, sana nga'y merong magkusang bawasan ang kapangyarihang mapapasa-kanila. pero iyon nga, as was always the case before in the presidency, "ano ako, bale?"
magandang araw madam,
ako po ay isang simpleng kabataan, na simple rin ang pangangailangan at simple rin kaligayahan. pag pinag-uusapan kasi ang eleksiyon marami po akong agam-agam.tulad ng sa eleksiyon lang ba ang partisipasyon natin sa demokrasya?kasi wala namang iba pang demokratikong proseso na tayo ay makakalahok..kumusta na ba ang ang mga partido?meron bang kritikal na numero ng masa sa buong kasapian nito?...at sa usaping pederalismo...ito na ba talaga ang sagot?ano ba ang relasyon nito sa usaping manggagawa?kababaihan?kabataan?lumad?at iba pang naaping sektor....paano ba natin pakikitungohan itong mga marginalized sector upang makamit ang mas mainam na lipunan kaysa kasulukuyang sitwasyon.usaping kapangyarihan lang ba ang sagot?...maalab na pagbati at kasiyahan nawa tayo ng poong maykapal!
magandang gabi sa 'yo, salamat sa comment, Jason. ang mga simpleng tulad mo ang ating pinahahalagahan. :) tama ka, dapat ay hindi lamang sa eleksiyon nakikilahok ang kabataan, kungdi sa iba pang mga aspeto ng buhay, kahit sa paghananap-buhay, at tuwi-tuwina. sana rin ay may buhay, ganado ang kabataan sa pakikilahok.
wari ko'y handa na tayo para dito, kapatid, handa na nating tanggapin at isakatuparan ang Federalismo. ito marahil ang sagot sa ating mga suliranin, kung hindi man natin makamit ang dagliang kapayapaan... na sya pa rin namang patutunguhan nating lahat kung tayo'y magkakaisa.
lahat ng sektor sa ating lipunan dito sa Mindanao ay makakalasap ng matagal nang inaasam na "empowerment" o kapangyarihan na ma-planuhan at madireksyunan ang mga buhay-buhay natin, ayon sa ating likas na kakayahan, inisyatibo, creativities, at availabilities ng resources (na kung saan mapalad tayo at mayaman tayo sa natural resources). pwede nating pagsumikapan ang lahat. at ang mga lumad, muslim, kristyano - mayaman man o mahirap, bata o matanda, ay giginhawa dahil sa atin ay wala nang magsasamantala. mararanasan kasi natin ang shift of powers, mabibigyan ng kapangyarihan ang local form of government natin, me sarili na tayong autonomy na hindi na kailangang magkahiwa-hiwalay tayo. lalakas itong ating homeland culturally, economically, politically, socially, morally. makakawala na tayo sa very dogged, centralized control ng Palasyo sa Manila. uunlad na tayo, sa paraang maka-tao. at ang lahat ng ating kabataan na nagbabakasakali sa ibang mga bansa ay uuwing masigla upang lalong pag-ibayuhin ang pakikipag-kapwa-tao, ang pagsisikap, ang masiglang pakikipagsapalaran sa buhay na sariling atin. ating ipagdasal, kapatid.
sa ngayon, magkasya na muna tayo sa pag-review nitong powerpoint presentation tungkol sa Federalismo na isinangguni nuon ni Sen. Nene Pimentel. saka na natin i-detalye ang mga hakbangin, ang mga finer points at pa-programa, kung nandito na nga tayo sa form of government na to.
Nene: Federalism will help solve conflict in Mindanao
By: Marvyn N. Benaning
Manila Bulletin
August 30, 2009
Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. still pushes for federalism as solution to secessionism in the south and the communist-led insurgency elsewhere in the country.
Pimentel stressed that with autonomy and political decentralization, leaders can actually solve needling problems and allocate public funds for sustained and focused development in Mindanao.
The opposition senator explained to jourmalists in yesterday's edition of the Friday Balitaan sa Rembrandt that decentralization would end the patronage politics and corrupt bureaucratic practices that have become the hallmark of the Arroyo administration.
He noted that in spite of the much-bruited about ceasefire with the Moro Islamic Liberation Front (MILF), fighting in Maguindanao in August 2008 caused 130,000 people to flee.
Conflict also led to squalor, hunger and fear for 90,000 evacuees in Marawi City, Pikit, Datu Piang and other parts of Maguindanao. Only 15 percent of the fertile lands of Lanao del Sur is being tilled.
Pimentel noted that the problem of peace and development in the south requires focused attention and long-term commitment by the Filipino people and expressed support for the work being done by Ali Santoli and the Asia American Initiative (AAI) in supporting health, livelihood, education and peace programs in Mindanao.
Permalink Reply by jason on September 10, 2009 at 2:18pm
hehe.....naniniwala naman ako sa withering away of the state ni kasamang karl marx and isa na ang paraang federal para makamit ito....sa dialectics nga nya at gagamitin natin ang thesis-antithesis ni hegel para makakuha tayo ng synthesis.pero di mo pa rin mafactor out na ang answer ay federalism.sa philippine context ha..kasi manipis at uugod-ugod na ang kilusang paggawa,ang kilusang kabataan ay tumatandang paurong at marahas talaga ang paglaki ng gap ng mayaman at mahirap..at iba pang mabagay....
masakit din kasi isipin na sinasabi natin na mayaman tayo sa likas na yaman as if unlimited ito kaya nagkakaroon ng kultura ng pagmamalabis...kaya nga nagkakagulo tayo dahil sa iba ang pakiki-ugnay natin sa materyal na bagay.
sa akin lang ngayon ay huwag tayong magmadali....magkaroon muna ng rebolusyon(hindi madugo)...sa edukasyon(sabi nga ni noy na ang mga mali sa texbook ng mag-aaral ay isang trahedya)..sa kilusang paggawa(ang manggagawa talaga ang tunay na hukbong mapagpalaya. kahit saan mo tingnan at anong klaseng paraan at proseso)..sa ekonomiya(na dapat protektahan niya ang kanyang sariling merkado laban sa panghihimasok ng dayuhan, partikular na ang polisiyang LAPIDA ng WTO. kahit nga sa primitive era na kamay at paa lang ang gamit ay pantay ang paghahati sa ani.ngayong meron ng makina na katumbas ng milyong kamay at paa ang katumbas ay marami ang nagugutom.).
sa edukasyon... marami tayong dapat unawain kung bakit nagkaganito ang bayan. sa edukasyon... marami tayong dapat saliksikin kahit pa nga napakarami ang walang edukasyon. matagal na nga sanang napagtuunan ng pansin ang pagpo-promote ng edukasyon, ang gawin itong de kalidad at tutuong abot-kaya, hindi lang basta maka-elitista. rebolusyon na bang matatawag yan? at naging prayoridad ba ito? nasa huli ngayon ang pagsisisi dahil sa naging uri nitong ating populasyon - marami ang mangmang ngayon at naghihingalo sa gutom, na lalo pang pinatindi ng di-balansyadong distribusyon ng mga oportunidad sa trabaho.
sang-ayon ako sa 'yo na ang ating mga manggagawa ang tunay na hukbong mapagpalaya, at dapat lamang na napo-protektahan ang kanilang merkado.... na sya bang nangyayari sa ngayon? iisa ang ating palagay sa bagay na 'to - hindi pa tayo dapat na sumuong sa globalisasyon, hindi tayo ganun kalakas na gaya ng ibang mga taga-Asya (na dati ay bumubuntot lamang sa atin). di ba't pansin mo at pansin ko rin, na isa ito sa mga dahilan kung bakit namamatayan ng negosyo ang maliliit na negosyante sa atin? hindi tayo dapat nakikilahok sa worldwide businesss competition. wag na muna tayo mag-ilusyon. pagaanin muna natin ang kalagayan ng bawa't isa dito sa sarili nating bayan.
at ang ating kalikasan... ang mayaman nating kalikasan... dinadahan-dahan pa rin natin ang pag-react sa mga bagay-bagay, maski pa nga sa gitna ng mga pagmamalabis dito na gaya ng sabi mo... tayo'y napagsasamantalahan. subalit hanggang kelan nga tayo ganito? oo, tumatanda tayo nang paurong lalo't sang-ayon tayo na ganito nang ganito na lamang ang ating kapalaran.
kumilos tayo. magdasal nang taimtim at humiling sa Diyos nating lahat... humiling ng hustisya sa mga kumakandidato... humiling ng tunay na pagbabago... humiling na ating subukan ang Federalismo, magkaroon ng tunay na empowerment ang bawa't kasuluk-sulukan nitong ating bansa, at hanguin ang mga sarili natin sa karukhaan. siguro naman ay hindi kapos ang Pilipinas sa matitinong mamamayan na may pagpapahalaga at may mabuting mithiin para sa lugar na kanilang kinamulatan.